December 13, 2025

Home BALITA National

Bea Borres, hindi rin nakatakas sa ‘porn site subscription scheme’

Bea Borres, hindi rin nakatakas sa ‘porn site subscription scheme’
Photo courtesy: Bea Borres (FB), BALITA FILE PHOTO

Tila hindi rin nakalampas ang email ng social media personality na si Bea Borres para gamitin sa panggagawa ng account sa isang porn site.

Ayon sa ibinahaging post ni Bea sa kaniyang Facebook noong Lunes, Oktubre 13, 2025, makikita sa larawan ang isang screenshot photo mula sa pagpapadala ng code ng porn site sa email niya.

“WHY NAMAN MY EMAIL????? Why not Senyoras!” saad ni Bea sa caption.

Photo courtesy: Bea Borres (FB)

Photo courtesy: Bea Borres (FB)

National

‘Be sensitive!’ DOH, nagpaalala na isaalang-alang damdamin ng iba ngayong holiday season

Samantala, umami naman samu’t saring reaksyon ang naturang post ni Bea. 

Anila, tila kagaya umano iyon sa nangyari rin sa aktres na si Alex Gonzaga. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Bea: 

“Nagturo ka pa e ikaw naman talaga yan e.”

“Pinag tripan ata kayo HAHAHAHA.”

“Bea nagtakip ka ng mga logo ung sa gilid di natakpan kita din hehehe.”

“Hala pati si Alex Gonzaga may ganitong post.”

“Minsan Kasi Diba may mga nag papaboost ng views na mga agents or handler sa FB baka Naman alam nila ung emails niyo.”

“Lala ginagamit email.”

“Meron ba dito may biglang nag t-text ng Code sa mga website na d naman naten ginagamit, sakin kasi meron.”

“Kababasa ko pang kay Alex! Anyare.”

“Yung email mo mo very kita naman . U better delete it.”

“T*****ng prank yan HAHAHHAHAHA”

Matatandaang tila nagulat din ang social media personality, TV host, at aktres na si Alex Gonzaga matapos niyang makitang may gumamit ng kaniyang business email para mag-subscribe sa isang porn site.

MAKI-BALITA: Business email ni Alex Gonzaga, ginamit para sa porn site subscription

“Sino muna tong mag-3AM na at ma-elyang ginamit yung business email ko para magsubscribe?” saad ni Alex sa kaniyang Facebook noon din Oktubre 13, 2025. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita