December 13, 2025

Home BALITA National

FPRRD, 'skin and bones' na lang sey ni Sen. Bato

FPRRD, 'skin and bones' na lang sey ni Sen. Bato
Photo courtesy: MB File Photo

Inilarawan ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa ang kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa video ng panayam ng ABS-CBN News kay Dela Rosa, tinanong ng reporter kung kumusta na ang dating pangulo, sa senador.

"Skin and bones na lang daw," sagot ni Sen. Bato.

"Medyo talagang... hirap na nga raw tumayo. That's his sitwasyon niya ngayon. Kaya sana mapagbigyan 'yong kaniyang interim release, hindi naman siya flight risk, hindi naman siya threat to national security or whatever, hindi naman, matanda na 'yon eh, mapagbiyan na sana," sagot pa ni Dela Rosa.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Matatandaang ibinasura kamakailan ng ICC ang hiling ng defence team para sa interim release ng dating pangulo.

Sa dokumentong inilabas ng ICC noong Biyernes, Oktubre 10, 2025, kinuwestiyon ng ICC ang umano'y humanitarian grounds hinggil sa medikal na kondisyon ni Duterte habang nakadetine sa kanilang kustodiya.

Saad pa ng ICC, maayos daw na nakatatanggap ng medical treatment si Duterte sa kanilang kustodiya, bagay na malayo raw sa sinasabi ng kaniyang kampo na hindi naibibigay ang medikal na atensyong kinakailangan niya.

Iginiit din ng ICC mananatili pa rin daw silang bukas para sa karapatan ni Duterte, kabilang ang pagpapahintulot na makabisita ang kaniyang mga pamilya at kaanak.

KAUGNAY NA BALITA: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC