Nagbigay ng pahayag si Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa pagsisiwalat umano ng insertion o amyenda sa national budget na kinasasangkutan ng halos lahat ng mga senador.
Ayon sa naging press conference na isinagawa ni Cayetano nitong Miyerkules, Oktubre 8, 2025, ibinahagi niyang tila lumala umano ang mga kaguluhan sa Pamahalaan ngayon.
“Sa lahat ng laban ng korapsyon, one way or the other, since 1998 when I became a congressman, we contributed towards good,” saad ni Cayetano.
“Ang problema, lalong lumala, e. No’ng nawala ‘yong pork barrel, lalong lumaki ngayon, ‘di ba?” pahabol pa niya.
Pagpapatuloy ni Cayetano, sinabi niyang tila hindi umano nagkakaintindihan ang mga opisyal ng gobyerno partikular sa naisiwalat na budget insertions na sangkot umano halos lahat ng mga kapuwa niya senador.
“Tapos ni hindi tayo magkaintindihan ngayon, e. Bakit kapag grupo nila ang naglagay, insertion ‘yon, ‘pag grupo n’yo, amendment ‘yon,” anang senador.
Kinuwestiyon din ni Cayetano na kapag si Sen. Risa Hontiveros daw ang nagsaad tungkol nasabing usapin kaugnay sa national budget ay “amendment” ‘yon habang “insertions” umano sa iba.
“So bakit kapag si Risa, amendment ‘yan, hindi insertion. ‘Pag iba, insertion ‘yan. How can we have a national dialogue kung gano’n? But as far as feasibility and constitutionality, nasa constitution ‘yon[...]” ani Peter.
Pagdadagdag pa niya, kailangan umanong masulusyon ang maraming problema ng bansa sa pamamagitan ng “snap election” na naglalayong pagbitawin sa puwesto ang lahat ng mga opisyal sa gobyerno.
“One other alternative universe is mag-resign lahat. Kung hindi pa rin, what’s the next one? We have to come together, kailangan may vision [kung] paano [ito] ma-solve,” ‘ika ni Cayetano.
“So lahat ng ibang korap, sa BIR, sa Costums, sa online gaming, sa illegal gambling, you name it, nakakatago ngayon kasi lahat ng atensyon natin nasa flood-control[...]” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: 'Insertion ni Senator Risa Hontiveros, merong resibo!'—Anthony Taberna
MAKI-BALITA: Sen. Risa iginiit na dumaan sa tamang proseso, aprubado sa Senado lahat ng iminungkahing amyenda sa budget
Mc Vincent Mirabuna/Balita