Tuloy ang pagsabak ng Filipino professional Tennis player na si Alex Eala sa kasunod niyang laban sa WTA 125 sa Jingshan Tennis Open sa China matapos niyang talunin ang pambato ng Belarusian na si Aliona Falei.
Naganap ang paghaharap ni Eala at Falei noong Martes, Setyembre 23, 2025 sa round-of-16 ng nasabing kompetisyon.
Nagtala ang laban nina Eala at Falei sa sets score na 6-3 at 7-5.
Nakatakdang makaharap ni Eala sa kasunod niyang laban ang pambato ng Japan na si Mei Yamaguchi na kasalukuyang no. 268 sa Women Tennis Association (WTA) matapos nitong talunin si Hong Yi Cody Wong ng Hong Kong.
Samantala, kasalukuyan na ngayong no. 58 si Eala sa WTA matapos ang mga naging laban niya sa mga nakaraang sinalihang kompetisyon partikular sa unang Grand Slam match niya sa United States Open (New York City), pagtatala niya ng kasaysayan para makuha ang kauna-unahan niyang titulo bilang kampeon sa WTA 125 Guadalajara Open (Mexico), at makarating sa quarterfinals nitong nakaraan sa São Paulo Open (Brazil).
Mayroon na ngayong 34 na panalo at 20 na talo si Eala sa lahat ng mga kompetisyong sinalihan niya ngayong 2025 ayon sa tala ng WTA.
KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, tumaas sa rank 61 ng WTA matapos makuha kampeonato sa Guadalajara
KAUGNAY NA BALITA: ‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship
Mc Vincent Mirabuna/Balita