December 12, 2025

Home BALITA National

Remulla, sinabing walang namatay sa kilos-protesta sa Maynila

Remulla, sinabing walang namatay sa kilos-protesta sa Maynila
RTVM/screenshot

Pinabulaanan ni Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na may nasawi sa isinagawang kilos-protesta sa Maynila noong Linggo, Setyembre 21.

Matatandaang nauwi sa riot o kaguluhan ang naturang kilos-protesta sa Maynila, partikular sa Legarda, Recto, at Mendiola. 

Sa isang press briefing nitong Lunes, Setyembre 22, pinabulaanan ni Remulla ang mga "rumor" na may nasawi sa kilos-protesta sa Maynila.

"I would like to debunk the rumors going around that someone died, that there was a death. There were zero casualties. I repeat, there were zero casualties. What is spreading around social media is fake news," ani Remulla.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"There were, however, people who got hurt. None of the protesters seriously hurt. The police got hurt more than the protesters," dagdag pa niya.

"Nakakaawa po ang mga pulis natin. Binuhusan ng tubig galing sa kanal, binato ng hollow block, binato ng molotov cocktail, nagsusunog sa tabi nila. Pero, gayunpaman, walang ginamit na dahas laban sa mga raliyista," ayon pa sa Kalihim.

Kaugnay nito, nauna nang ihinayag ng Department of Health (DOH), na may isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi umano dahil sa tinamong saksak.