Nagpahayag ng appreciation post ang Filipino professional tennis player na si Alex Eala para sa mga nakuha niyang tropeo sa mga nakaraang kompetisyong kaniyang sinalihan.
Ayon sa Instagram post na ibinahagi ni Eala noong Biyernes, Setyembre 19, nais umano muna niyang bigyan ng pagpapahalaga ang mga nakamit niya bago muling sumabak sa susunod na torneo sa darating na September 22 hanggang 28 sa Asian swing at the WTA 125 Jingshan Tennis Open.
“Trophy appreciation post before I start the Asian swing!” caption ni Eala sa kaniyang post.
Suportado naman si Eala ng kaniyang mga fans.
Anila, ito pa lamang ang simula para maraming kompetisyon na maipapakita ni Eala ang kaniyang galing sa paglalaro ng Tennis.
Narito ang ilang komento ng mga tagasuporta ni Eala:
“Incredible win keep going we continue to cheer u on.”
“Isama mo kami sa bawat hampas mo gwapa.”
“This is just the first of many more to come! So proud of you Alex for raising our flag!”
“To many more WTA titles! This is just the beginning. Aim high and focus in your growth and ignore the haters. You will surely reach new heights. The only way is to go up!”
“You go girl! So proud of you”
“So proud of you ma’am @alex.eala thank you for bringing immense pride to our beloved country PH.”
“Stay humble, keep your faith in Jesus alone.”
Kasalukuyan na ngayong no. 57 ang rank ni Eala sa Women Tennis Association (WTA) at sa buong mundo.
Matapos ito sa naging resulta ng mga kompetisyong sinalihan ni Eala partikular sa unang Grand Slam match niya sa United States Open (New York City), pagtatala niya ng kasaysayan para makuha ang kauna-unahan niyang titulo bilang kampeon sa WTA 125 Guadalajara Open (Mexico), at makarating sa quarterfinals nitong nakaraan sa São Paulo Open (Brazil).
Samantala, pagkatapos ng magiging kompetisyon ni Eala sa Asian Swing, kasunod niyang sasalihan ang WTA 125 Suzhou Ladies Open sa darting na Setyembre 29 hanggang Oktubre 5, 2025.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship
KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, pinataob pambato ng Argentina sa SPO!
Mc Vincent Mirabuna/Balita