December 30, 2025

Home BALITA National

PBBM, nag-volunteer sa 'Walang Gutom Kitchen'

PBBM, nag-volunteer sa 'Walang Gutom Kitchen'
Photo courtesy: MB

Bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa “Walang Gutom Kitchen” (WGK) sa Pasay City, Huwebes, Setyembre 18, kung saan tumulong siya sa pagsisilbi ng pagkain sa mga benepisyaryo ng programang ito. 

Kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, ininspeksyon ni PBBM ang mga operasyon rito para masiguradong nabibigyang aksyon ang direktiba ng administrasyon na pagpuksa sa kagutuman sa bansa. 

"The President wants us to open more food bank - soup kitchens nationwide to combat hunger," saad ni Gatchalian. 

Sa Facebook post ng DSWD, ibinahagi na bukod sa pagtulong ni PBBM sa pamamahagi ng pagkain, nakipagkumustahan din siya sa mga kliyente habang nakisalo sa kanilang tanghalian. 

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Ang WGK ay isang community food bank and soup kitchen na nagsisilbi sa mahigit-kumulang 600-walk in clients araw-araw, na karamihan ay bata at matatanda. 

Ang mga pagkain naman na inihahanda ay sinusunod ang Pinggang Pinoy ng National Nutrition Council, kung saan binubuo ito ng karne, isda, gulay, sabaw, pansit, at prutas. 

Kasama rin sa ginagawa ng WGK ay ang biopsychosocial service tulad ng tutoring sa mga bata at angkop na suporta sa mga pamilya sa panahon ng sakuna. 

Sa naitalang bilang ng DSWD noog Setyembre 17, nakapagbigay na ng 152,959 na pagkain ang WGK at nakapagsilbi sa 108,552 na indibidwal simula ng una itong ilunsad noong Disyembre 16, 2024, kung saan si First Lady Liza Araneta-Marcos ang isa sa unang volunteers. 

Sean Antonio/BALITA