December 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Risa, bukas maging standard bearer ng oposisyon sa 2028

Sen. Risa, bukas maging standard bearer ng oposisyon sa 2028
Photo Courtesy: via MB

Bukas si Senador Risa Hontiveros na pangunahan ang oposisyon sa eleksyon 2028.

Sa isang press conference na ginanap sa Cebu nitong Sabado, Setyembre 6, tiniyak ni Hontiveros na magkakaroon ng standard bearer ang oposisyon sa 2028 bagama’t hindi pa alam sa ngayon kung sino.

“‘Di ko pa masabi kung sino ang magiging standard-bearer namin kasi mag-a-agree pa kami sa isang proseso at gagawin pa namin ang proseso na ‘yon,” saad ni Hontiveros.

Dagdag pa ng senadora, “Pero ang masasabi ko magkakaroon ng standard bearer ang opposition.” 

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

Samantala, inihayag naman niya ang pagiging bukas sa posibilidad na maging standard bearer nito matapos siyang tanungin tungkol dito.

“We are all open to it,” aniya.

Matatandaang nauna nang nausisa si Hontiveros sa posibilidad na ito noong Mayo, ilang araw matapos ang 2025 midterm elections.

"I'm not saying no. I'm open to all possibilities," pahayag ng senadora.

Maki-Balita: Sen. Risa, posibleng tumakbo sa 2028 presidential race?

Kasalukuyang affliated si Hontiveros sa Akbayan Citizens’ Action Party.

Samantala, batay sa ginawang survey ng Tangere mula Hunyo 20 hanggang 22, nangunguna pa rin si Vice Presidente Sara Duterte bilang presidential bet para sa 2028 national elections.