December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Janine Gutierrez, nepo baby pero workaholic

Janine Gutierrez, nepo baby pero workaholic
Photo Courtesy: Janine Gutierrez (TikTok)

Tila si Kapamilya actress Janine Gutierrez ang paborito ng netizens sa lahat ng nepo babies sa Pilipinas.

Matatandaang nagsimulang pag-initan ng publiko ang ilang personalidad matapos matuklasan ang kaugnayan ng mga ito sa mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects. 

Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

Sa isang TikTok vide ni Janine noong Sabado, Agosto 30, ibinahagi niya ang serye ng mga video clip tampok ang kaniyang mga trabaho.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

“Just a working gal,” saad ni Janine.

Sabi pa niya sa text caption ng video, “Nepo baby package pero walang bank account included.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Workkkk tayoooooo"

"Our favorite nepo baby"

"Busy woman "

"my workaholic nepo baby "

"yung pinaghihirapan mo yung trabaho mo. Samantalang sila nilulustay lang ang pera ng bayan. With flexing in social media. Pinagmamalaki pa. Grabeeeee diko kinakaya."

"fave nepo baby pwede baby din kita ily always Nini"

Si Janine ay mula sa angkan ng mga bigating artista. Ang parehong lola niya na pumanaw ngayong taon ay sina Superstar Nora Aunor at Asia’s Queen Of Song Pilita Corales.

Maki-Balita: Janine Gutierrez, doble dalamhati sa pagpanaw ng dalawang lola

Samantala, ang mga magulang naman niya ay sina Lotlot De Leon at Ramon Christopher.