Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ay nakikipagdayalogo na sa ibang mga bansa para mapagkuhaan ng suplay ng langis sa gitna ng lumalalang tensyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Sa ginanap na “Kapihan with the Media” noong Martes, Marso 10 sa New York, United States (US), nilinaw din ni PBBM na ang ilan sa mga ito ay hindi madalas makausap ng bansa kaugnay sa suplay ng krudo o petrolyo.
“In terms of supply, we are in good shape, and not only do we have inventory in the Philippines, we also are awaiting some supplies coming in that are in transit,” saad ni PBBM.
Aniya, “In terms of supply, but you know, that doesn’t mean that we’re not doing anything. Naghahanap tayo ng iba’t ibang lugar na makapagbigay ng supply sa atin.”
“We are talking to many other countries who we normally do not buy oil from, but hopefully we will be able to come to an agreement with them, and we will get further supply from them,” dagdag pa niya.
Matatandaang kamakailan, ipinagmalaki mismo ni PBBM na mayroong sapat na suplay ng krudo ang bansa, na siyang aabot umano sa humigit-kumulang 50 hanggang 60 na araw.
“First of all, let me assure everyone that we have [a] sufficient supply of oil. Mayroon tayong stockpile that are approximately fifty (50) to sixty (60) days in terms of gasoline, in terms of fuel oil, and in terms of kerosene,” saad ni PBBM sa isang press briefing kamakailan.
MAKI-BALITA: Pilipinas, may sapat na suplay ng langis abot hanggang 50-60 araw—PBBM-Balita
Samantala, inaasahan pa rin ang posibleng pagsipa ng presyo ng krudo sa mga susunod na araw, dahil sa tuloy-tuloy na girian ng mga bansa sa Middle East.