December 15, 2025

title
Photo courtesy: Unsplash

Nag-abiso si Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Undersecretary Aboy Paraiso laban sa gumagamit ng links sa text messages para makapangloko. 

Sa panayam ni Paraiso sa DZMM kamakailan, binanggit niyang kadalasang nagpapadala ng links sa text messages ang mga scammer bilang paraan ng pagnanakaw ng personal na impormasyon. 

Ginagawa nila ito sa umano’y pagpapanggap bilang empleyado mula sa mga kilalang kompanya, at ilang e-wallet services tulad ng GCash at Maya, kung saan, metikulosong ginagaya ang mga totoong pamamaraan ng pakikipag-usap. 

Kung kaya nama’y, ipinagbabawal na ng National Telecommunications Commission ang paglalagay ng links sa mga text message. 

National

‘Impeachment process, 'di sapat para mapanagot si VP Sara!’—Ex-DOF Usec. Cielo Magno

“Pinagbabawal na ho ng ating National Telecommunications Commission (NTC) ang pagkakaron ng any link sa ating text messages,” saad ni Paraiso.

Mariin ding inabisuhan ng CICC ang publiko na iwasan ang pag-click kahit na anong links na matatanggap sa text mula sa mga hindi kilalang number. 

At kung mayroon mang mga kahina-hinalang scam message, mangyari lamang na mag-report sa 24/7 Inter-Agency Response Center ng CICC. 

Sean Antonio/BALITA