December 12, 2025

Home BALITA National

SP Chiz, inalala ang kabayanihan ng mga Pilipino

SP Chiz, inalala ang kabayanihan ng mga Pilipino
Photo courtesy: Chiz Escudero (FB)

“Ang kabayanihan ay hindi natatapos sa nakaraan,” ito ang ipinahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa kaniyang mensahe bilang pagbibigay pag-alala sa mga kabayanihan ng mga Pilipino nitong Lunes, Agosto 25.

Sa maigsi ngunit siksik na mensahe ng Senate President sa kaniyang Facebook post, kinilala niya ang mga sakripisyong nailathala sa kasaysayan para sa kasarinlan ng Pilipinas at ang patuloy na pagbabayanihan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

“Ang kabayanihan ay hindi natatapos sa nakaraan. Hindi ito nasusukat sa mga pangalan sa monumento, aklat ng kasaysayan, o salaysay ng digmaan. Ito’y patuloy na isinusulat ng mga ordinaryong mamamayan—mga guro, manggagawa, magsasaka, sundalo, at frontliner. Sila ang mga Pilipinong araw-araw ay tahimik na naglilingkod sa bayan, may malasakit, may dangal, at may paninindigan,” paglalahad nito.

Binanggit din nito ang katungkulan pagsusulong ng mga batas na patuloy na ipaglalaban ang mga adhikain ng mga bayani noon at sa kasalukuyan.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Bilang mambabatas, tungkulin naming kilalanin at bigyang-boses ang kabayanihan ng bawat Pilipino. Sa Senado, isinusulong namin ang mga batas at patakarang nagpapalalim sa diwa ng demokrasya, katarungan, at pagkakapantay-pantay, mga adhikaing ipinaglaban ng ating mga bayani noon at ngayon.”

Sean Antonio/BALITA