Pumiyok si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na ghost projects umano ang ilan sa flood control projects na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan.
Sa isinasagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado, sinabi ni Bonoan na umabot umano sa ₱5.9 bilyon ang halaga ng kontratang ibinigay sa Wawao.
“In Bulacan alone, Wawao Builders had 85 projects amounting to 5.9 billion [...] There seems to be some ghost projects,” anang kalihim.
Kinumpirma naman ni Bonoan na gumugulong na ang imbestigasyon kaugay sa katiwaliang ito.
Ayon sa kaniya, “They will be coming up with their financial and physical report in a week’s time to my office.”
Samantala, inamin naman ni Bonoan sa isang bahagi ng senate inquiry na wala umano silang kakayahang suriin ang kalidad ng proyektong sa ilalim ng pinamumunuan niyang ahensya.
"We were rely on the data that is fed to us by the central office," saad niya
Matatandaang binakbakan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang mga umano’y nangurap sa flood control project na lalong nagpalala ng baha sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'