December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Putulin ang sumpa!' EA naiyak sa kasal, Shaira napa-react

'Putulin ang sumpa!' EA naiyak sa kasal, Shaira napa-react
Photo courtesy: Shaira Diaz (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si "Unang Hirit" host-Kapuso actress Shaira Diaz sa isang larawan ng kaniyang mister na si EA Guzman habang naluluha ito sa kanilang kasal.

Matapos ang matagal na paghihintay, finally nga ay nag-isang dibdib na ang showbiz couple noong Huwebes, Agosto 14.

KAUGNAY NA BALITA: Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!

Bukod kay EA at Shaira, naging emosyunal din sa nasaksihang seremonya ng kasal ang ilan sa guests, batay sa mga larawang ibinahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang social media accounts.

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Ibinahagi naman ni Shaira ang isang black and white photo ni EA sa seremonya kung saan makikitang tila naiyak ito.

Caption ni Shaira, "Okay, safe tayo… sa pic lang na to HAHA! Pero kahit umiyak ka pa Bach, alam kong habambuhay tayo."

Natuloy naman ang kasal kahit sinita si Shaira sa pagsusukat ng wedding dress ilang araw bago ang kanilang wedding day.

Isa sa mga pamahiing sinusunod sa kasal ay ang pagpapaiwas sa isang bride na isukat o isuot ang kaniyang wedding gown o wedding dress, ilang araw bago ang aktuwal na kasal.

KAUGNAY NA BALITA: Pamahiin? Shaira Diaz nag-react, sinita sa pagsusukat ng wedding dress

ANG "SUMPA" NG PAG-IYAK NG GROOM SA KASAL

Sa comment section ng post, marami sa mga netizen ang tila "nabahala" dahil sa pag-iyak ni EA.

Naalala kasi ng mga netizen ang ilang mga male celebrity na naiyak sa kasal nila, na ang ending, ay nauwi sa hiwalayan ang kani-kanilang mga relasyon.

Iyan ang naging puno't dulo ng sinasabing "sumpa" sa pag-iyak ng groom sa kaniyang kasal.

Pero sey ng mga netizen, mukhang sina EA at Shaira na raw ang puputol sa nabanggit na "cycle."

"Break the cycle Ma’am and sir. I know na si God ang center ng pagsasama nyo kaya di kayo matutulad sa mnga kapwa nyo artista na naghiwalay," saad ng isang netizen.

Na sinagot naman ni Shaira ng thumbs up.

Well, sa pamahiing Pilipino, wala namang sinasabing kapag umiyak ang groom sa kasal, ay baka mauwi sa hiwalayan ang relasyon.

Sumulpot lang ang ganitong "jinx" matapos ang pag-iyak nina Aljur Abrenica, Jason Hernandez, Jon Gutierrez, at Tom Rodriguez, sa kasal nila subalit naganap na nga ang naging paghihiwalay ng landas nila sa mga naging misis nila.

Ginawan pa nga ito ng meme ng ilang social media page.

Kahit nga si Kapamilya host Luis Manzano, nang ikasal sila ni Jessy Mendiola, ganito rin ang naging biro sa kanila dahil umiyak din si Luis sa kasal.

KAUGNAY NA BALITA: Luis, pinagtripan, isinama sa memes ng mga groom na naiyak sa kasal pero nakipaghiwalay; Jessy, pumalag

Naiyak din si Kapamilya actor Carlo Aquino nang ikasal sila ni Charlie Dizon.

KAUGNAY NA BALITA: Netizens kinakabahan sa pag-iyak ni Carlo Aquino sa kasal

Pero habang isinusulat ang artikulong ito, going stronger naman ang mga relasyon ng nabanggit na couple, so baka nga "naputol na ang sumpa" noon pa man.