"Dinogshow" ng mga netizen ang kumalat na larawan ni Carlo Aquino na maluha-luha ang mga mata nito sa kasal nila ng dating girlfriend, ngayon ay misis nang si Charlie Dizon noong Linggo, Hunyo 9.

Napansin kasi ng mga netizen na nangingilid ang luha sa mga mata ni Carlo habang tinitingnan ang paglalakad sa aisle ng kaniyang bride.

Nagkaroon kasi ng "jinx" ang mga netizen sa mga male celebrities na naiyak sa kanilang kasal, na ang ending daw ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang mga relasyon.

Gaya na lamang sa Facebook page na "ELAsthetic Finds," isinama sa mga larawan ng groom na umiyak sa kanilang kasal ang larawan ni Carlo.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

"Ay shuta may nadagdag sa listahan 😭," saad sa caption.

Ilan sa mga male celebrity na kasama sa larawan ay sina Jason Hernandez na estranged husband ni Moira Dela Torre, Jon Gutierrez ni Jelai Andres, Tom Rodriguez ni Carla Abellana, at Aljur Abrenica ni Kylie Padilla.

Narito naman ang ilan sa mga hirit ng netizens.

"Wag kase iiyak haha."

"Oy admin wag naman pangunahan.... Everyone has a chance to change, malay nyo naman titino na sya... Pray natin na magtagal sila.... Love 💕 love 💕 Love 💕 lang po tayo."

"Tingnan na muna natin, kayo talaga."

"anong malay ba natin sa kapalaran nila.. kaya wag natin silang husgahan"

"Ndi sya umiyak tears of joy lng dw hahaha"

"Nakangiti naman siya ah, kayo talaga."

"Hala kabado ako sa pag-iyak, isinama pa sa mga nahiwalay..."

"Hindi yan, masyado kayong kabado."

Well, anuman ang sabihin ng bashers, ang mahalaga ay kasal na ang dalawang nagmamahalan. Congratulations at best wishes!

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!