December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Sinetch itey? P-pop group BINI, may sasampahan ng kaso!

Sinetch itey? P-pop group BINI, may sasampahan ng kaso!
Photo Courtesy: bini_ph (IG)

Usap-usapan ngayon online ang kumakalat na balita na magsasampa ng kaso ang Pinoy Pop girl group na BINI sa hindi pinangalanang indibidwal. 

Ayon sa Instagram story na ibinahagi ni Attorney Josabeth “Joji” Alonso, isang filmmaker at celebrity lawyer, ang dokumento na kalakip mga tunay na pangalan ng miyembro ng nasabing girl group na sina Gweneth Apuli, Maraiah Queen Arceta, Sheena Mae Catacutan, Mikhaela Janna Jimnea Lim, Mary Loi Yves Ricalde, Jhoanna Cristine Robles, Stacey Aubrey Sevejilia, at Ma. Nicolette Vergara. 

Hindi pinakita sa naturang Instagram story kung sino ang sasampahan ng reklamo ng nasabing grupo. 

Samantala, hinala ng netizens online na ang pinatutungkulan ng reklamong ito ay walang iba kung hindi si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza. 

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Matatandaang kamakailan ay nagbahagi ito ng post sa Facebook kung saan pinasalingan niya ang isa sa mga miyembro ng grupo.

“Mga Gen Z, okay lang makipag-kant***n as long as gumagamit kayo palagi ng c**d*m upang hindi makabuo. Lalong-lalo na doon sa isang member ng BINI na sobrang pala***t,” aniya. 

Hindi napigilan ng netizens online na sabihin kung sino ang kanilang hula at magbigay ng opinyon kaugnay sa kumakalat na usapin. Narito ang ilang sinabi ng mga nagkomento: 

“Si Gaza na this... Yan kasi ma chismis masyado, parang sya yung bubuhay pag meron na buntis na celebrity.."

“Knowing him, sa dami ng pera connections and etc. wala lang din yang kaso na yan ‍"

“Basta si Christian Albert Gaza legit yarn "

“wag kayu mag haha susugurin kayu ng mga feeling perfect na nga person"

“Sapagkat ang nakikibasa at nakikireact lang ay hindi makakasuhan"

“Totoo man or hindi dapat wala na tayo don halos puro babae yung mga nakikisawsaw sa ibang comment section [...]”"

Wala pa ring aktuwal na anunsyo mula sa P-pop girl group BINI kung itutuloy nila ang pagsasampa ng reklamo sa hindi pinangalanan indibidwal o samahan. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita