December 13, 2025

Home BALITA

Laptop para sa mga guro, nagdaratingan na —PBBM

Laptop para sa mga guro, nagdaratingan na —PBBM
Photo Courtesy: RTVM, via MB

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga laptop na ipamamahagi ng pamahalaan para sa kaguruan ng mga pampublikong paaralan.

Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong nitong Lunes, Hulyo 28, sinabi niyang tiniyak umano ng pamahalaan na walang anomalya sa likod ng pagbili ng mga laptop.

“Ngayon, nagdaratingan na ang mga laptop na laan para sa mga guro sa public school.Tiniyak natin na walang anomalya sa pagbili ng mga laptop na ito,” saad ni Marcos.

Dagdag pa niya, “Nakahanda na ang mga high-tech at digital na mga materyales: mga smart TV, libreng wifi, at libreng load sa Bayanihan sim card.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kaya naman dahil sa mga ito, sinabi ng pangulo na handa na raw ang mga estudyanteng makasabay sa pag-aaral sa isang makabagong mundo.