December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. JV, nagtataka saan napupunta flood control projects: 'Taon-taon na lang!'

Sen. JV, nagtataka saan napupunta flood control projects: 'Taon-taon na lang!'
Photo Courtesy: JV Ejercito (FB)

Kinuwestiyon ni Senador JV Ejercito ang kinapupuntahan ng mga flood control project ng gobyerno.

Sa latest Facebook post ni Ejercito nitong Biyernes, Hulyo 25, sinabi niyang taon-taon na lang umanong pinoproblema ang baha.

“Taun-taon na lang problema natin ang baha kapag ganitong panahon,” saad ni Ejercito. “Ang ipinagtataka ko, saan nga ba napupunta ang mga flood control projects?” 

“Sa aking pagkakaalala,” pagpapatuloy niya, “mahigit P300 bilyon kada taon ang budget para sa mga flood control projects, o isang bilyon kada araw!”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Dagdag pa ng senador, “Pero sa halip na high-impact flood mitigation projects tulad ng floodways, pumping stations, at iba pa, ang nasa budget karamihan ay drainage improvement at slope protection. Halos lahat na ng ilog ay sementado na pero baha pa rin. Paulit ulit ang drainage improvement pero baha pa rin!”

Kaya naman iminungkahi niyang sundin kung ano raw ang nasa flood control masterplan at paglaanan ng pondo ang mga high impact program kaysa paghati-hatian ang mga proyekto.

“Pero bakit nga ba patse-patse? Hmmm…Kinakawawa ang taumbayan. Taun-taon na lang biktima tayo ng baha!” pahabol pa ng senador.

Kasalukuyang nananalasa ang bagyong Emong sa malaking bahagi ng Northern Luzon. 

MAKI-BALITA: Bagyong 'Emong' nasa typhoon category na; signal no. 4, posible!