December 13, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Imee Marcos, hiyang-hiya kay Chavit Singson

Sen. Imee Marcos, hiyang-hiya kay Chavit Singson
Photo Courtesy: Imee Marcos, Chavit Singson (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Sen. Imee Marcos sa pahayag ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa pagkadismaya nito sa kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa panayam kasi ng Bilyonaryo News Channel noong Martes, Hulyo 8, sinabi ni Chavit na dumulog umano sa kaniya si Sen. Imee para tulungan ang kandidatura ng kapatid nito sa sa pagkapangulo noong 2022 elections.

“Pero after election, may Alzheimer’s na si Bongbong, hindi na ako kilala. [...] Ito na siguro ang last na pag-support namin sa mga Marcoses dahil hindi na kami kilala,” saad ni Chavit.

Kaya sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Miyerkules, Hulyo 9, sinabi niyang hiyang-hiya raw siya kay Chavit.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

“Ang totoo, hiyang-hiya ako kay manong [Chavit] dahil lubos at walang humpay  ang kaniyang tulong noong 2022. 'Yan ang sentimyento ng nakararaming Ilocano't loyalista—sayang na sayang!” anang senadora.

Dagdag pa niya, “Tinuruan naman kami ng tatang kong tumanaw ng utang na loob. Basta ako, hinding-hindi makakalimot sa mga nagmamahal sa amin.”

Matatandaang nakuha ni PBBM ang landslide victory sa 2022 presidential elections na binubuo ng 31,629,783.