Nagluluksa ngayon ang aktor at dating senador na si Bong Revilla, Jr. sa pagpanaw ng showbiz columnist na si Lolit Solis.
Sa latest Facebook post ni Revilla nitong Biyernes, Hulyo 4, sinabi niyang ma-mimiss niya raw nang sobra ang kaniyang long-time manager.
“Pahinga ka na. Wala nang sakit; wala nang hirap. Sobra kitang mami-miss,” saad ni Revilla.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat sa pagmamahal at pagkalinga. You have been a solid rock for me, a staunch defender, and most importantly - a mother who took care of me and my family up to your last days with us.”
Ayon sa aktor, parang nawalan daw ulit siya ng nanay sa pagyao ni Lolit. Napakalaking kawalan umano ang pamamaalam nito para sa mga nahalos nito ng pagmamahal sa industriya ng showbiz.
“Ang aming taus-pusong pakikiramay sa lahat ng iyong naiwan. Lahat kami ay nagluluksa. Mahal na mahal ka namin,” anang aktor.
MAKI-BALITA: Lolit Solis, pumanaw na