Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na balitang magkakaroon na umano ng pasok tuwing Sabado sa elementary hanggang senior high school simula Hulyo 5.
Sa latest Facebook post ng DepEd nitong Martes, Hulyo 1, tinawag nilang fake news ang naturang balita.
“Fake news ang kumakalat na social media post tungkol sa umano’y pagdaragdag ng Saturday classes sa elementary hanggang senior high school,” saad ng DepEd.
Kaya naman muling pinaaalalahanan ng ahensya ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa anomang uri ng misimpormasyon.
“Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts,” dugtong pa nila.