December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Angeline Quinto, bet magkaroon ng isang dosenang anak!

Angeline Quinto, bet magkaroon ng isang dosenang anak!
Photo Courtesy: Angeline Quinto (IG)

Inihayag ni Kapamilya singer Angeline Quinto ang interes niyang magkaroon ng isang dosenang anak sa mister niyang si Nonrev Daquina.

Sa ulat kasi ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Linggo, Hunyo 29, nausisa raw si Angeline kung balak ba niyang sundan ang dalawa niyang chikiting na sina Sylvio at Sylvia.

“Twelve po ang gusto ko para isang team kami,” saad ni Angeline. “‘Pag nagkaproblema ang tatlo may nine pa na sasalo.”

Dagdag pa niya, "Gusto ko kasing kabugin ang BINI pero dahil CS [Caesarian section] ako, malabo ’yon. Puwede hanggang apat kung mamadaliin, hahahaha!"

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Tila nae-enjoy kasi ng Kapamilya singer ang pagiging nanay kina Sylvio at Sylvia. In fact, ayon sa kaniya, lalo raw siyang naging mabuting tao dahil dito.

Aniya, "Feeling ko mas bumait ako, feeling ko mas pinahalagahan ko ‘yong time. [...] Ayokong maka-miss ng kahit na anong mga milestone na mangyayari kina Sylvio at Sylvia.

"Minsan do’n lang ako nagi-guilty, mayroon akong mga ‘di nawi-witness. Parang ‘yon ang pinakamahirap na part," dugtong pa ni Angeline.

Matatandaang Abril 2024 nang ikasal sina Angeline at Nonrev sa Quiapo Church. Isang buwan makalipas ang kanilang pag-iisang-dibdib, sinabi ni Angeline na habambuhay umano niyang ipaglalaban ang mister.

MAKI-BALITA: Angeline Quinto, habambuhay ipaglalaban ang asawa