Maging ang katauhan ni Broadway Diva at Filipino pride Lea Salonga ay nagawa ring pekein sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).
Sa latest Facebook post ni Lea nitong Sabado, Hunyo 28, sinabi niyang nagpadala umano ng message ang tita niya para ibalita ang tungkol sa video na nakita nito.
“She had just seen a video claiming that I was in a wheelchair due to arthritis and was cured by some treatment,” saad ni Lea.
Dagdag pa niya, “I told her that I was fine, minor aches and pains from my job, but that’s it. She was bamboozled by a fake video. AI is scary. Stay vigilant and aware.”
Matatandaang dumarami kamakailan ang gumagamit ng artificial intelligence (AI) upang manipulahin ang kahawig na katangian ng isang tao.