December 12, 2025

Home BALITA National

Bagong 20k teaching positions sa DepEd, aprubado na!

Bagong 20k teaching positions sa DepEd, aprubado na!
Photo courtesy: DepEd Philippines (FB)

Ibinalita ng Department of Education (DepEd) na aprubado na nila ang bagong 20,000 teaching positions ngayong 2025, batay na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

"Naaprubahan na ang bagong 20,000 teaching positions para sa 2025. Ito ay bahagi ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos na paunlarin ang overall learning environment at tiyakin na mas maraming Pilipinong mag-aaral ang may access sa mga kwalipikadong guro," mababasa sa anunsyo ng DepEd Philippines sa kanilang opisyal na Facebook page.

"Ngayon, nakatakda nang ipamahagi ang mga posisyon sa lahat ng rehiyon sa bansa, batay sa identified priority areas."

Inanunsyo rin ni DepEd Sec. Angara na aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa 20,000 teaching positions na tiyak na makatutulong upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ang mga posisyon na ito ay Teacher I, Special Needs Education Teacher (SNET), at Special Science Teacher I. Batay umano sa updated na direktoryo ng paaralan, datos ng enrollment, at mga validated na kakulangan sa guro, mapupunta ang pinakamalaking alokasyon sa Region IV-A na may 2,655 na posisyon, kasunod ng Region III na may 2,152, at Region VII na may 1,774.

"Sa 20,000 bagong teaching items, may 20,000 bagong pagkakataon para maabot ang mas maraming learners, maibsan ang bigat ng trabaho ng mga existing teachers, at mapaganda ang learning delivery sa field,” anang Angara.

“Hindi lang ito tungkol sa dami. Ang mahalaga, mas marami ang buong pusong magseserbisyo para batang Pilipino," dagdag pa niya.