December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Zanjoe Marudo, never itinago ang anak sa mata ng publiko

Zanjoe Marudo, never itinago ang anak sa mata ng publiko
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Sinagot na ng aktor na si Zanjoe Marudo ang makukulit na tanong ng ilang netizens patungkol sa panganay nila ng misis niyang si Ria Atayde.

Matatandaang simula kasi ng isilang ni Ria ang kanilang anak ay hindi pa naisasapubliko ang mukha nito sa mga larawang ibinahagi nila sa social media.

At sa latest episode nga ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Sabado, Hunyo 21, sinabi ni Zanjoe na bukod sa wala pa naman mapapala ang anak nila sa social media, toxic din umano ang espasyong ito.

“Baby pa naman ‘yan, e. Ano bang mapapala niya sa social media? Parang wala pa rin naman siyang muwang,” saad ni Zanjoe.

Paalala ni Catriona matapos masaksihan heaviest traffics of 2025: 'Choose kindness!'

Dagdag pa niya, “At ‘yon nga, social media toxic din ‘di ba. Ang daming puwedeng mangyari. Unang-una ‘yong safety ng baby.“

Pero nilinaw naman ng aktor na hindi raw niya kailanman itinago ang baby nila ni Ria. In fact, kapag lumalabas sila at gumagala sa mall, ipinapasilip daw niya ang anak sa mga fans o kaibigang gustong makakita.

Aniya, “Kapag may kaibigan akong nakita o fans or ano, ‘Uy, kumusta baby mo? Patingin naman. Pinapakita ko sa kanila. Hindi ko siya tinatago.”

Hindi na rin daw kailangan pang pakiusapan ni Zanjoe na huwag kukunan ng larawan o video ang anak niya. Mas nirerespeto raw kasi ng mga tao kapag pinapayagan niyang makita nila ang bata.

“Imbes na kunan nila, lalaruin nila. Makikipaglaro sila imbes na kunan ng picture,” dugtong pa ng aktor.

Sa ngayon, hihintayin na lang daw muna nila ni Ria na makapagsalita ang kanilang first baby para matanong kung gusto ba nitong ibalandra ang sarili sa social media. Gusto raw kasi nilang mag-asawa na magamit ng bata ang freedom of choice nito.

Matatandaang Setyembre 2024 nang ianunsiyo ni Zanjoe sa pamamagitan ng isang Facebook post ang panganganak ni Ria.

MAKI-BALITA: Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo