Nakatanggap ng reklamo mula sa ilang Pilipino ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kaugnay sa mga bantang natatanggap nila sa mga abusadong online lending applications.
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Miyerkules, Hunyo 18, natuklasan umano ng PAOCC na konektado ang nasabing applications sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
“We have also seen the trend of other online apps that are linked to former POGOs and Chinese nationals,” saad ni PAOCC Spokesperson Winston Casio.
Dagdag pa niya, “Generally, those companies that are associated with former POGO owners and Chinese nationals are the ones conducting these abusive collection practices. It is almost the same template as the former POGOs.”
Bukod dito, ipinaliwanag din ni Casio kung paano gumagana ang nasabing applications sa mga umuutang dito.
Aniya, “Basically, ang ginagawa po kasi ng mga online lending apps is once a particular borrower is unable to pay the loan, they’re being transferred to a third-party collection agency.”
“Those collecting agencies are the ones who perform the so-called abusive lending collection practices,” dugtong pa ni Casio.
Kaya naman minungkahi umano niya sa direktor ng PAOCC na gumawa ng isang email kung saan maipapadala ang lahat ng reklamong ugnay dito. At noong Linggo lang umano ay nakatanggap pa rin sila ng 15,000 daing ng pang-aabuso.
Samantala, nahihirapan umano silang mahuli ang mga foreign national na binanggit dahil wala sa mismong operasyon ang mga nasa likod nito.
“But,” pasubali ni Casio, “what we find are digital footprints that led us to the real beneficial owners of these companies.”
Matatandaang sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Hulyo 2024 ay idineklara niya ang pagpapatigil sa operasyon ng POGO sa Pilipinas.
Ngunit ayon sa ulat ng Bureau of Immigration, may 11,000 pa rin umanong ex-POGO workers na nasa loob ng bansa.
MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH