Nagbigay ng reaksiyon at komento ang batikang aktor na si Cesar Montano sa relasyon ng dating misis na si Sunshine Cruz at negosyanteng si Atong Ang.
Sa "Julius Babao UNPLUGGED," sinabi ni Buboy (palayaw ni Cesar) na masaya siya sa buhay pag-ibig ngayon ng dating asawa at ina ng mga anak niya.
Nakarating sila sa ganoong paksa nang sabihin ni Cesar na pinili niyang manahimik sa naging intriga at kontrobersiya kung bakit sila naghiwalay ni Sunshine. Aniya, pinili niyang itikom ang bibig at huwag sagutin ang mga naging akusasyon sa kaniya para protektahan ang mga anak nila. Iyon daw kasi ang nakita niyang repercussion kung sakaling ipagtatanggol pa niya ang sarili, na baka mabully ang mga anak sa school.
At isa pa, sa status ngayon nilang dalawa, kahit annulled na ang kasal nila ay napanumbalik naman daw nila ang relasyon, pero this time, bilang magkaibigan na lang.
Pagdating naman sa relasyon nina Atong at Sunshine, "Nakikita ko naman maligaya siya... as long as she's happy, I can see that she's happy, I'm so happy for them."
"Kasi 'pag happy ang nanay ng mga anak ko, ibig sabihin, happy rin ang mga anak ko..." dagdag pa ng aktor.
Kasama pa nga raw sa mga dasal niya ang dating misis.
KAUGNAY NA BALITA: Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight
KAUGNAY NA BALITA: Kaya may pahalik! Atong Ang, kinumpirmang jowa na si Sunshine Cruz
Si Cesar naman ay happy na rin naman sa kaniyang partner kaya 'ika nga, "Everybody happy" sila.