Nilaro ng netizens ang larawan nina Senador Nancy Binay, Senador Grace Poe, at Senador Risa Hontiveros habang nakasuot ng pulang impeachment robe.
Sa isang Facebook group, inedit ng netizen ang larawan ng tatlo at isinama sa picture ng social media personality na si Zeinab Harake kasama ang mga bridesmaid niya sa kaniyang kasal.
"Congrats, Zeinab Harake," saad sa naturang post.

Kasi naman, parehas na pula ang impeachment robe na suot ng mga senadora at motif ng gown na suot ng mga bridesmaid ni Zeinab.
Anyway, kaya nakasuot ng pulang impeachment robe sina Binay, Poe, at Hontiveros dahil isa sila sa mga tumayong senator-judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Silang tatlo, kasama sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senador Win Gatchalian, ang tumutol sa mosyon ni Senator-judge Alan Peter Cayetano, na amyendahan ang mosyon ni Senator-judge Ronald "Bato" Dela Rosa na ibasura ang impeachment trial Duterte.
BASAHIN: Sigaw ni Sen. Risa: 'Outnumbered, but not outfought!'
Samantala, ikinasal naman si Zeinab kay Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. noong Hunyo 1.
KAUGNAY NA BALITA: Sariling nanay, hindi pinapasok ni Zeinab Harake sa kasal niya?