June 14, 2025

Home BALITA National

PBBM, busy sa trabaho; dedma muna sa Senado

PBBM, busy sa trabaho; dedma muna sa Senado
Photo Courtesy: Bongbong Marcos, Senate of the Philippines (FB)

Walang anomang mensahe o pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa pinakahuling progreso sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Martes, Hunyo 10.

Matatandaang 18 senador ang pumabor sa mosyon nina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Bato Dela Rosa na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban sa bise-presidente. Samantala, lima naman ang naghayag ng pagtutol.

MAKI-BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?

Kaya sa isinagawang press briefing nitong Miyerkules, Hunyo 11, hindi naiwasang itanong kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang tungkol sa naging hakbang ng Senado sa kaso ni VP Sara.

National

Kakulangan ng classroom, aabutin ng 55 taon bago masolusyunan—Sec. Angara

"Kung ang Senado, may mga ilang senador na busy sa pagtatanggol sa procedure, at may mga senador na busy sa pagtatanggol sa Bise Presidente, ang Pangulo po ay busy sa pagtatrabaho," saad ni Castro.

Dagdag pa niya, "Gusto niya sana, katulad ng ating sinabi kanina, maibigay ang mababang presyo ng bigas, makapagbigay ng mga pangunahing bilihin sa merkado, at maibsan kung anoman pong paghihirap  ang nararanasan ng ating mga kababayan.”

Ayon kay Castro, hindi raw muna pinapansin ng Pangulo ang Senado dahil ang mga senador naman umano ang mananagot sa taumbayan kung anoman ang mangyari sa loob ng nasabing sangay ng pamahalaan.

Kaya naman hindi raw niya nakikitaan ng negatibong epekto sa Pangulo ang magiging desisyon ng Senado hinggil sa impeachment trial ni VP Sara.

MAKI-BALITA: PBBM, labas sa magiging husga ng taumbayan sa Senado—Palasyo