Good news para sa mga consumers dahil magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng tapyas sa singil ng kuryente ngayong Hunyo.
Sa anunsyo ng Meralco, nabatid na ₱0.11 kada kilowatt hour (kWh) ang mababawas sa singil sa kuryente ngayong buwang ito.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang bawas-singil ay bunsod ng pagbagsak ng presyo ng kuryente sa spot market.
Ang naturang bawas sa singil ay katumbas ng ₱22 na bawas sa electric bill para sa mga komukonsumo ng 200 kWh kada buwan; at ₱32 sa mga kumukonsumo ng 300 kWh.
Nasa ₱43 naman ang matitipid ng mga nakakagamit ng 400 kWh kada buwan at ₱54 pesos para sa mga komukonsumo ng 500 kWh kada buwan.