Walang nanalo ng ₱53 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 nitong Thursday draw, June 5.
Sa 9:00 p.m. draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning numbers na 37-11-28-41-35-12 na may kaakibat na premyong ₱53,078,892.80.
Bukod dito, wala ring nanalo sa Lotto 6/42 na may premyong ₱5,940,000.00 mula sa winning numbers na 10-40-34-12-36-16.
Binobola ang Super Lotto 6/49 kada Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.