Wala raw katotohanan ang mga kumalat na tsikang nakatatanggap ng ₱1 milyon ang aktres na si Kim Rodriguez mula kay Bulacan Gov. Daniel Fernando at nabigyan pa siya ng isang luxury car, dahil may relasyon sila.
Sa ulat ng isang lokal na pahayagan, minalisya lamang daw ang larawan na ipinakalat lamang daw ng mga kalaban ni Fernando sa politika.
2022 pa raw kuha ang nabanggit na larawan, at maging mga kaibigan ng gobernador kasama na si Fernando ay natawa na lamang daw sa isyu.
Kilala raw kasi ang politiko bilang masinop sa pera, at hindi raw gagamitin sa ganitong bagay ang pera ng taumbayan.
Matapos ngang mare-elect kasama ng bise-gobernador na si Alex Castro, nakapokus daw ngayon si Fernando sa serbisyo-publiko para sa mga Bulakenyo.
Maging si Kim ay tila hindi rin naman apektado nang pumutok ang isyu at pasimpleng binara lamang ang mga netizen na nang-asar sa kaniya.
MAKI-BALITA: Kim Rodriguez, fresh daw dahil 'alagang' Gov. Daniel Fernando?