Maging ang dating aktres na si Andi Eigenmann ay nagngitngit sa galit sa content creator na si Crist Briand matapos ipakita sa kaniyang content ang anak nila ni Jake Ejercito na si "Ellie," 13-anyos, nang walang parental consent mula sa kaniya, at labag din sa kagustuhan ng bata.
Matatandaang nauna nang naglabas ng galit tungkol dito si Jake, na nagbanta pang nagpaplano na ng legal options laban sa content creator.
Ibinahagi naman ni Jake sa kaniyang Instagram story ang naging pagkondena ni Andi sa ginawa ng content creator, na tinawag niyang "disrespectful" at "exploitative" lalo't nabastos daw ang anak sa comment section ng video.
"Don't use our daughter for clout," ani Andi.


Hindi pa malinaw kung magsasampa ng kaso si Andi laban sa nabanggit na content creator.
KAUGNAY NA BALITA: Jake Ejercito, sasampolan ng kaso content creator dahil sa anak na si Ellie?