April 15, 2026

Home BALITA Metro

Pamilya Marcos, sinubukang sumakay sa MRT-3

Pamilya Marcos, sinubukang sumakay sa MRT-3
Photo Courtesy: IBC TV 13 (FB)

Sinubukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na sumakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kasama ang kaniyang pamilya.

Sa kuhang video nitong Linggo, Hunyo 1, makikitang kasama ng pangulo sa Kamuning station ang asawa niyang si First Lady Liza Marcos at ang dalawa niyang anak na sina Vincent Marcos at Sandro Marcos.

Tutulak ang presidential family mula Kamuning patungong North Avenue station.

Ito ay bahagi ng paglulunsad sa programang “Family Fare 1+3” ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng promo fares para sa mga Pilipinong mananakay ng MRT-3 at Light Rail Transit Line 3 (LRT-3) tuwing Linggo.

Mapapakinangan ito ng mga pasaherong may kasamang tatlong miyembro—magkakapamilya o magkakaibigan man. 

Metro

‘This is where it stops!’ Alfred Vargas, sinampahan ng reklamo magulang ng nambully sa anak

Sa ilalim ng programang ito, isa lang ang nakatakdang magbayad ng pamasahe nilang apat habang ang tatlo naman ay dadaan sa courtesy entrance.