May 31, 2025

Home SHOWBIZ Events

Toni Gonzaga, pinababalik na sa PBB: 'Miss ka na namin!'

Toni Gonzaga, pinababalik na sa PBB: 'Miss ka na namin!'
Photo courtesy: Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez (IG)

Tila na-miss na ng mga netizen ang "Hello Philippines and Hello World" ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, na trademark na opening salvo niya sa hosting ng reality show na "Pinoy Big Brother" ng ABS-CBN.

Ibinida kasi ng dati rin nilang PBB co-host na si Mariel Rodriguez-Padilla ang reunion nilang tatlo nina Bianca Gonzalez-Intal sa birthday party ng managing producer sa ABS-CBN na si Linggit Tan.

Silang tatlo ang tinaguriang "Kuya's Angels" o original hosts ng PBB. Sa kanilang tatlo, tanging si Bianca na lamang ang natira at nagsisilbing main host nito.

"Happiest Birthday, Tita Linggit Tan! Only you could pull off a reunion like this—our PBB OG gathering! It was such a joy to see everyone again," mababasa sa caption ni Mariel.

Events

PBB original hosts: 'Kuya's Angels,' nag-reunion

Sa comment section ay mababasa naman ang masayang komento ni Toni, "Kuya’s Angels! @iamsuperbianca "

Sey naman ni Bianca, "Sobrang saya to see you both and everyone again..."

Marami naman sa mga netizen ang humirit na baka puwedeng makabalik na sina Toni at Mariel sa hosting ng PBB, lalo na ngayon at matagumpay ang celebrity collab edition ng ABS-CBN at GMA Network.

"OG PBB hosts are still the best!!! Hoping you guys could work together again. It just hits differently."

"Awww nakakamiss sobra nag OG Angels ni Kuya."

"Bumalik ka na sa PBB please"

"balik kana po please"

"miss your 'hello philippines, hello world' version"

"pbb will never be the same without you, Tin"

"These 3 has different political beliefs yet remains friend pa rin. We should all learn from them."

KAUGNAY NA BALITA: PBB original hosts: 'Kuya's Angels,' nag-reunion

Matatandaang nagbitiw bilang main host ng PBB si Toni matapos ma-bash nang suportahan ang UniTeam at maging host pa ng proclamation rally noong 2021.

KAUGNAY NA BALITA: Bianca Gonzalez, may mensahe para sa mga kaibigang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez