Natanong si Sen. Risa Hontiveros kung bukas ba siya sa posibilidad na tumakbo siya sa 2028 Presidential Elections, sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa naganap na "Kapihan sa Senado," sinabi ni Hontiveros na ayaw niyang magbigay ng "no" tungkol dito sa ngayon.
"I'm not saying no. I'm open to all possibilities," pahayag ng senadora.
"At 'yon 'yong hinihingi ko rin sa lahat na mga kasama sa oposisyon or independent bloc na maging bukas kami sa lahat ng possibilities at sa isa't isa, alang-alang sa oposisyon at alang-alang sa ating mga kababayan,” dagdag pa.
Sa ngayon daw, ang prayoridad ni Sen. Risa ay pagtatrabaho bilang senador lalo't nakabalik sa Senado sina Senators-elect Bam Aquino at Kiko Pangilinan, at nakapuwesto naman sa Kamara ang Akbayan party-list.