Nagbahagi ang dating self-confessed druglord na si Rolan "Kerwin" Espinosa ng larawang nagbabasa ng Local Government Code ng Pilipinas matapos niyang maproklama bilang alkalde ng Albuera, Leyte.
Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 15, sinabi ni Espinosa na wala raw siyang sasayanging oras upang matutunang pamahalaan ang kaniyang obligasyon bilang mayor.
“No time wasted for the new challenges of my life,” ani Espinosa.
“You’ll learn how to manage all your obligations when you have the perseverance to do so,” dagdag niya.
Noong Martes, Mayo 13, nang iproklama si Espinosa na panalong alkalde ng Albuera sa isinagawang 2025 midterm elections noong Lunes, Mayo 12, matapos makakuha ng mahigit 14,000 na boto.
Uunahin daw ni Espinosa ang peace and order at maging ang pagsugpo ng ilegal na droga sa kanilang lungsod.
Bago ang eleksyon, matatandaang noong Mayo 10 nang barilin si Espinosa habang nangangampanya.
MAKI-BALITA: Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya sa Leyte
KAUGNAY NA BALITA: Kerwin Espinosa, naghain ng frustrated murder cases vs 7 pulis