May 15, 2025

Home BALITA Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat
Photo courtesy: Contributed photo

Dead on arrival ang dalawang pulis matapos silang tamaan ng kidlat sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion Headquarters sa Naujan, Oriental Mindoro noong Miyerkules  ng gabi, Mayo 14, 2025. 

Ayon sa mga ulat, posible umanong nagsasagawa ng roving ang dalawang biktima nang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kidlat, bago mangyari ang aksidente. 

Kinilala ang mga biktimang sina Patrolman Laudelina Samarita Lomio, 31 taong gulang at Patrolman Ruzzel Jay Fontarum, 30-anyos.

Nalaman na lamang daw ng iba pang kasamahan ng ng mga biktima ang sinapit nilang dalawa nang nagsagawa na rin sila ng roving kung saan tumambad sa kanila ang wala nang buhay nilang katawan.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Sinubukan pa silang dalhin sa Mindoro Medical Center ngunit hindi na sila umabot pang buhay.