May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

PBBM sa darating na halalan: 'Gamitin natin ang ating karapatan'

PBBM sa darating na halalan: 'Gamitin natin ang ating karapatan'
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB), Santi San Juan/MB

Nagbigay ng mensahe sa mga botante si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. isang araw bago ang araw ng 2025 midterm elections.

Sa video statement ng pangulong nitong Linggo, Mayo 11, hinimok niya ang bawat isang botante na gamitin ang karapatan nilang bumoto.

“Ngayong halalan, gamitin natin ang ating karapatan at gampanan ang ating pananagutan bilang mamamayang Pilipino,” saad ni Marcos, Jr.

Aniya, isang pagkakataon umano ito upang marinig ang boses ng bawat isa at maipahayag ang mga pangarap na mahalaga sa sarili at bayan. 

Eleksyon

'Praying hand emoji' ni Sen. Bong, usap-usapan; 'di raw tumalab budots, agimat?

“Iba’t iba man ang ating paniniwala, ‘yan ang diwa ng demokrasya. Pero ang pagkakaiba ng opinyon ay hindi dapat mauwi sa gulo o pananakot,” dugtong pa ng pangulo.

Sa huli, nanawagan siya sa mga kandidato na igalang ang proseso ng halalan.

“Magtulungan po tayo upang mapanatili ang isang maayos, mapayapa, at makatarungang halalan,” pahabol pa niya.