Nagpasalamat ang TV host at senatorial aspirant na si Willie Revillame kay Sen. Alan Peter Cayetano matapos siyang i-endorso nito bilang senador.
Nagpasalamat din si Revillame sa misis ni Sen. Alan na si Taguig City Mayor Lani Cayetano matapos ang pagdaraos nila ng kampanya sa kanilang lungsod.
"Para sa tiwala, suporta, at mga payo, maraming, maraming salamat po, Sen. Alan Peter Cayetano at Mayor Lani Cayetano! Tulong-tulong tayo para sa kalusugan, trabaho, at edukasyon ng bawat Pilipino," mababasa sa caption ng post sa opisyal na Facebook page ni Willie.
"Kaya mga kababayan, tandaan po natin ang numero 55 ngayong May 12. Tulungan n’yo po ako, para mas matulungan ko pa kayo," dagdag pa niya.