May 06, 2025

Home BALITA National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Santi San Juan/MB; Facebook)

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi umano titigil ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pag-atake sa politika hangga’t hindi raw siya nakukulong o namamatay.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag noong Linggo, Mayo 4, tinanong si Duterte kung inaasahan ba niya ang umano’y mas marami pang pag-atake laban sa kanilang pamilya.

“Yes, kasi yung desperate people, they can think of the worst things to do. So, oo,” sagot ng bise.

“Naiisip ko ‘yan na hindi talaga titigil hanggang hindi ako makulong or mamatay. Iyon na lang naman talaga ang hindi pa nila nagagawa sa ngayon,” dagdag niya.

National

Yanna 'di sumipot sa LTO, tutuluyang kasuhan ng nagreklamo

Naniniwala rin daw si Duterte na estratehiya ng national government ang naging pagkaso ng isang negosyante sa Davao City sa kapatid niyang si Davao City Rep. Paolo Duterte ng physical injuries at grave threats upang pabagsakin ang kanilang pamilya.

MAKI-BALITA: Rep. Pulong Duterte, kinasuhan ng 'physical injuries, grave threats'

“Isa yun sa mga strategy ng national na pabagsakin iyong pamilya namin,” aniya.

Samantala, sinabi ni Duterte na hindi umano mababawi ng administrasyong Marcos ang “kakulangan” nila sa proyekto, programa, at mga plano para sa kaunlaran ng bansa, sa pamamagitan ng umano’y pag-atake sa kanilang mga kalaban sa politika.

“Hindi naman gusto ng mga tao na atakihin nila yung mga kalaban nila sa politika. Ang gustong makita ng mga tao ay development projects, at kapayapaan at kaunlaran,” ani Duterte.

“So, kahit anong atake nila sa amin, hindi pa rin babango yung administrasyon. Hindi pa rin makikita yung sinasabi nilang Bagong Pilipinas kasi hindi siya nararamdaman at makikita ng taumbayan,” saad pa niya.