May 04, 2025

Home BALITA Eleksyon

Vice Ganda, inendorso na si Kiko Pangilinan

Vice Ganda, inendorso na si Kiko Pangilinan
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan, Vice Ganda (FB)

Naghayag na rin ng suporta si Unkabogable Star at “It’s Showtime” host Vice Ganda sa kandidatura ni Atty. Kiko Pangilinan.

Sa latest Facebook post kasi ni Vice nitong Linggo, Mayo 4, inendorso niya si Kiko sa pamamagitan ng isang maikling video.

“Di pwedeng mawala sa Top 12 ang TAPAT at TOTOO,” saad ni Vice sa caption.

Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

"Gusto ng bagong Pilipinas pero un mga kandidato luma na ."

"ayan dapat meme, okay may kulang pa"

"Future ng bayan nakasalalay dito lalo nat lumalala na ang bayan natin kaya VOTE WISELY na mga kababayan"

"As if naman may pakelam at binabasa ni Vice mga comments nyo/natin Bash nyo yung hangin "

"pass ako meme, ikaw na lang ilalagay ko sa balota . wag ka passira sa mga iniindorso mu meme"

"Tigilan n'yo na yang paggamit ng inyong impluwensiya sa pag-iindoktrina at paghahasik ng mga maling desisyon sa buhay. Yung bansa ang madadamay."

"Yan dapat meme. Nakakatuwa nakakagaan ng loob. Salamat meme"

Matatandaang nauna nang iendorso ng Unkabogable Star sa pagkasenador si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos noong Sabado, Mayo 3.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos