Nagbigay ng tugon si Queen of All Media Kris Aquino kaugnay sa mga nagsasabing sana raw ay may anak silang tulad ni Bimby.
Matatandaang naantig ang marami sa pagmamahal ni Bimby kay Kris matapos ibahagi ng huli ang larawan niya habang karga ng kaniyang anak.
MAKI-BALITA: Kris kay Bimby: 'Ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas'
Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Linggo, Abril 27, sinabi ni Kris na bagama’t maganda raw ang pagpapalaki nila kay Bimby, mahirap daw itong kadebate.
Aniya, “Minsan mahirap din makipag-debate sa kaniya. Kasi iba ‘yong political leanings namin about America.”
“I’ll stop there,” dugtong pa ni Kris, pahiwatig na ayaw na niyang pahabain pa ang mga sasabihin dahil baka makapagsimula ng diskusyon sa pagitan nila ni Bimby.
Samantala, ibinahagi ni Bimby sa isang panayam na balak daw niyang kumuha ng legal management sa kolehiyo.
MAKI-BALITA: Bimby mag-aabogado, pinaplanong pumasok sa politika?