April 16, 2025

Home BALITA Politics

Usec. Castro, sinabing 'sobrang itim' ng nakaraang administrasyon

Usec. Castro, sinabing 'sobrang itim' ng nakaraang administrasyon
screenshot: PCO/FB

Nagbigay-pahayag si Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro hinggil sa campaign video ni Senador Imee Marcos, kung saan inilalarawang "ITIM" na ang kulay ng bansa.

Noong Lunes santo, Abril 14, inilabas ni Sen. Imee ang kaniyang campaign video kung saan pormal siyang inendorso ni Vice President Sara Duterte sa pagka-senador. 

Makikitang parehong nakasuot ng kulay-itim ang dalawa, at mula sa akronim na "ITIM," ay kumpirmadong sinabi ni VP Sara na "Inday Trusts Imee Marcos."

BASAHIN: Hindi pula o berde: VP Sara at Sen. Imee, inilarawan kulay ng bansa sa 'ITIM'

Politics

Marcos admin, papunta na sa 'puti' sey ni Usec. Castro

KAUGNAY NA BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee

Samantala, sa isang press briefing nitong Martes santo, Abril 15, sinabi ni Castro na "sobrang itim" ng bansa noong nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at ngayon, sa administrasyon daw ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ay "papaliwanag" na.

"Kapag sinabi natin na itim ngayon ang kulay, mas made-describe siguro natin no’ng nakaraang administrasyon na sobrang itim at ngayon ay papaliwanag sa panahon ng kasalukyang administrasyon," ani Usec. Castro.

"Hindi man gano’n pa kaputi pero patungo na doon," dagdag pa niya. 

Kaugnay nito, pinabulaanan din ni Castro ang nabanggit sa campaign video ni Sen. Imee na: "Itim ngayon ang kulay ng bansa, sa gutom at krimen nagluluksa" at "Gutom na ang sikmura, gutom pa sa hustisya. Ginigipit ang hindi ka-alyansa."

Binanggit ni Castro na bumaba umano sa 15.5% ang poverty incidence ng bansa noong 2023 mula sa 18.1% noong 2021, na aniya ayon sa report ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at iba pang pahayagan.