January 18, 2026

Home BALITA Politics

Marcos admin, papunta na sa 'puti' sey ni Usec. Castro

Marcos admin, papunta na sa 'puti' sey ni Usec. Castro
screenshot: PCO/FB

Kung may kulay raw na maglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ito ay papunta na sa kulay "puti." 

"Papunta na po sa paputi. Konting kula na lang, medyo maputi na. Hindi pa perfectly white pero doon po patungo ang kasalukuyang administrasyon," saad ni Castro sa isang press briefing nitong Martes santo, Abril 15.

Kaugnay nito, nagbigay-pahayag din si Castro hinggil sa campaign video ni Senador Imee Marcos, kung saan inilalarawang "ITIM" na ang kulay ng bansa.

BASAHIN: Usec. Castro, sinabing 'sobrang itim' ng nakaraang administrasyon

Politics

'I-expel na rin!' Congressmeow, nakaambang tuluyang ma-elbow sa Kamara