Nagbigay ng reaksiyon at komento si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro hinggil sa pagkalas sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na senatorial slate ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa isinagawang press briefing, Huwebes, Marso 27, sinabi ni Castro na ang senadora naman daw ang nagdesisyong umalis sa Alyansa slate, lalo't kung hindi naman
"Siya naman po ang nagsabi na siya'y kumakalas na sa Alyansa dahil sabi niya ay hindi yata pareho ang kanilang mga adhikain, ang adbokasiya, kung hindi po talaga nalilinya ang kaniyang mga paniniwala sa paniniwala ng Alyansa, mas maganda po siguro talaga na siya ay umalis dahil hindi po niya paniniwalaan ang mga programa ng Alyansa, hindi po talaga magkakaroon ng magandang relationship," aniya.
"Pero ang lahat pong ito ay ipapaubaya natin sa campaign manager na si Congressman Toby Tiangco," aniya pa.
Matatandaang Miyerkules, Marso 26, ay tuluyan nang kumalas sa Alyansa si Sen. Imee.
"I cannot stand on the same campaign platform as the rest of the Alyansa. As I have stated from the outset of the election period, I will continue to maintain my independence,” saad niya.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas