Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla na naaksidente ang sinasakyan nilang van sa Netherlands noong Biyernes, Marso 21, 2025 (araw sa Pilipinas).
Ayon sa Facebook post ng senador, ligtas umano sila at walang nasaktan matapos silang mabangga ng isa pang sasakyan.
"Maraming Salamat po Ya Allah sa pagligtas ninyo po sa amin sa isAng tiyak na kapahamakan Alhamdulillah rabil aalameen. Hindi namin napansin isang kisapmata binangga kami sa aming gilid subhanaAllah naging steady lang si kapatıd na Dindo sa manibela. Hindi kami gumewang o tumama sa island kundi tataob kami,"ani Padilla.
Matatandaang unang nasilayan ng publiko si Padilla sa Netherlands kasama sina Vice President Sara Duterte at dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque noong Biyernes, Marso 14, 2025, matapos silang dumalo sa pre-trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crime against humanity.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD