Hindi makararanas ng “dangerous” heat index ang alinmang bahagi ng Pilipinas bukas ng Linggo, Marso 23, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa ulat ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon nitong Sabado, Marso 22, 39°C ang pinakamataas na naitalang heat index bukas na inaasahang mararanasan sa Davao City, Davao del Sur.
Nakasailalim ang 39°C sa Extreme Caution level, kung saan posible rito ang “heat cramps” at “heat exhaustion.”
Samantala, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?