Nagtaka ang mga netizen sa isa sa mga larawang ibinahagi ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes, matapos niyang ipakitang tapyas na ang isa sa mga unahang ngipin niya.
Ibinida kasi ni Blythe ang ilang mga larawan ng kaniyang 22th birthday celebration kamakailan. May caption itong "Birthday week."
Isa nga sa mga larawang pumukaw sa atensyon ng mga tagahanga ni Andrea ay makikitang tapyas o sira na ang ngipin niya.
Batay naman sa comment section, mukhang natamaan daw ng frisbee ang ngipin ng aktres kaya nagkaganito.
Sa kabilang banda, marami naman ang pumuri pa rin sa byuti ni Andeng dahil kahit bungi ang ngipin, maganda pa rin siya!