April 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni Nadia kay Baron, nasa poder na niya?

Anak ni Nadia kay Baron, nasa poder na niya?
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz Showbiz Updates (YT)

Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niya umanong tsika tungkol sa anak na babae nina Nadia Montenegro at Baron Geisler.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Biyernes, Marso 14, sinabi ni Ogie na  nakarating sa kaniya na nasa poder na raw ni Baron ang anak nito kay Nadia.

“Mayro’n lang nagparating sa akin na ‘yong anak ni Baron kay Nadia Montenegro ay na kay Baron Geisler na raw,” saad ni Ogie.

Pero sa ngayon, hindi pa raw alam ng showbiz insider ang dahilan kung bakit nakakasama na ni Baron ang anak nito dahil pa niya nauusisa ang aktor.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Dagdag pa niya, “May nakakita sa kanila sa gym. [...] Siyempre kailangang mag-bonding kasi kailangang bumawi ni Baron. And if I know Baron, talagang noon pa no’ng kausap ko siya dito sa ‘Ogie Diaz Inspires’ e talagang gusto niyang bumawi sa kaniyang anak kay Nadia. Maganda naman ‘yon.”

Nilinaw naman ni Ogie na raw ibig sabihin na porke na kay Baron ang dalaga ay ayaw na nito sa ina. 

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon sina Baron o Nadia hinggil sa nasabing tsika.

Matatandaang nagsimulang kumalat ang tungkol sa anak nina Nadia at Baron nang aminin ng huli ang tungkol dito sa isang panayam nito kay Ogie noong Marso 2024.

Pagkatapos nito ay nagsalita naman si Nadia at nilinaw na hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.

MAKI-BALITA: Nadia Montenegro, hindi inilihim anak nila ni Baron Geisler?